PINANGUNAHAN ni PSC Executive Assistant Karlo Pates (gitna) ang huling pagpupulong sa mga kinatawan ng mga koponan sa gaganaping 1st PSC-DavNor IP Games. PSC PHOTO
PINANGUNAHAN ni PSC Executive Assistant Karlo Pates (gitna) ang huling pagpupulong sa mga kinatawan ng mga koponan sa gaganaping 1st PSC-DavNor IP Games. PSC PHOTO

TAGUM City, Davao del Norte -- Maibibida sa sambayanan ang mayamang kultura at tradisyon ng mga Indigenous Peoples sa lalawigan sa ilalargang Philippine Sports Commission- Indigenous Peoples Games simula sa Biyernes sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito.

"There is much to look forward to in the IP Games. The Davao del Norte launching is just the beginning of a series of IP Games and IP Forum to be held in different parts of the country,” pahayag ni project director PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey.

Nagtungo rito ang dating sports editor ng SunStar Davao mula sa matagumpay na PSC-Philippine Sports Institute Consultative Meeting and Grassroots Coaching seminar sa Panabo City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Maxey, masinsinan ang naging koordinasyon ng ahensya sa mga

local government units (LGUs) ng Davao del Norte, Bukidnon, Lake Sebu, South Cotabato, Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya, gayundin sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang matukoy at mahimay ang lahat nang kailangang sundin at gawin para sa matagumpay na pagsasagawa ng programa para sa mga kababayan nating kabilang sa Indigenous group.

Kabuuang 300 kalahok mula sa Ata-Manobo, Sama, Dibabawon, Mandaya, Mangguangan, at Mansaka na naninirahan sa New Corella, Talaingod, Carmen, Panabo City, Sto. Tomas, Asuncion, Kapalong, Tagum City, Dujali, Island Garden City of Samal at San Isidro ang makikibahagi sa IP Games.

“We are all set for the IP Games,” pahayag ni Maxey.

Sa layuning mapangalagaan at mapayaman ang traditional games ng IP, ibabahaging mga lahaok ang husay sa Kadang-Kadang sa Bagol, Kadang-Kadang sa Bamboo, Lubok sa Humay, Butong sa Lubid, Pana, Bangkaw, at Basket sa Likod, (4x100m event at 100-meter run).

Magsasagawa rin ng IP Forum at photo contest.

Ang Lubok sa Humay at Kadang-Kadang sa Bagol ay event na para lamang sa kababaihan.

Magbibigay ng mensahe si PSC Chairman William "Butch" Ramirez at Maxey sa opening ceremony, habang si Davao del Norte Governor Anthony del Rosario ang magbibigay hudyat sa pagsisimula ng paligsahan.