Ni Gilbert Espeña

MASUSUBOK ni dating world rated Harmonito “Hammer” dela Torre kung may lakas pa ang kanyang mga kamao sa pagsabak sa beteranong si Jovany Rota sa undercard sa “Undefeated” fight card sa Abril 28 sa Glan, Saranggani Province.

Nagwakas ang perpektong rekord ni Dela Torre noong nakaraang Nobyembre 18 nang matalo siya sa puntos kay Mongolian Olympian Tugstsogt Nyambayar sa Las Vegas, Nevada sa United States.

Bago ito. nagtala si Dela Torre ng dalawang panalo sa puntos kina dating WBC Youth lightweight champion Guillermo Sanchez ng Puerto Rico at ex-WBA Fedecentro flyweight titlist Jose Luis Araiza ng Mexico kapwa sa mga sagupaan sa US.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Malaki ang nawala kay Dela Torre sa pagkatalo kay Nyambayar dahil bukod sa nasira ang kanyang perpektong rekord na 19 panalo, 12 sa knockouts at 1 talo, nawala pa siya sa world rankings.

“I learned a lot from my first loss. I lost to a great boxer, who is a silver medalist in the Olympics. I thought I did well but I came up short. I will be back stronger than ever,” sabi ni Dela Torre sa Philboxing.com. “Accepting the loss was very hard at first but I realized that I have to train harder so that it won’t happen again.”

Gustong makabawi ni Dela Torre para matupad ang kanyang pangarap na maging kampeong pandaigdig at inspirasyon niya ang bagong sila na anak na babae.

“My daughter is my big inspiration. I need to be a champion to give her a good future. I will do everything to become a champion,” dagdag ni Dela Torre.

Sa main event ng mga sagupaan, maglalaban ang mga walang talong sina Jade Bornea at Danrick Sumabong para sa bakanteng WBO Oriental Youth super flyweight title.