Ni NITZ MIRALLES

HULING linggo na ng seryeng Sherlock Jr., na pinagbidahan ni Ruru Madrid. Tama pala ang nakuwento ni Ruru na maaksiyon ang natitirang linggo ng action series at madalas siyang nakahubad.

rURU copy

Sa ilang gabing episodes na napanood namin, bugbog sarado si Jack (Ruru) at sa Friday episode nga, babarilin na siya ni Gregor (Rafael Rosell). Pero dahil bida, siguradong hindi siya mamamatay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napansin naming na bini-build up bilang action star si Ruru, handa na ba siyang maging action star?

“Ever since naman po ‘yun ang pangarap ko, e. Kaya siyempre, sabi ko nga po ngayong nabigyan na ako ng mga ganitong klaseng proyekto, talagang pagbubutihan ko po hangga’t kaya ko, binubuhos ko po talaga lahat ng best ko para sa mga bagay na ‘yan. Sana, after Sherlock Jr., mabigyan pa ako ng GMA-7 ng isa pang action series,” pagwi-wish ni Ruru.

Ilang linggo nang wala si Gabbi Garcia sa Sherlock Jr., nawalan ng leading lady si Ruru at pati fans ay sobrang nalungkot.

“Siyempre, nalungkot din ako at hindi lang ako ang nalungkot, buong production din at ang cast din. Kasi naging kaibigan naman ng talaga ng lahat si Gabbi. Nakakalungkot na mawalan ng isang katrabaho sa set na talagang...si Gab kasi makulit e, tsaka maingay, madaldal si alam na alam mo ‘pag nandiyan sya. Pero, nasa story na mawawala ang karakter niya. Siguro naman may kasunod pa kaming pagtatambalan,” pagtatapos ni Ruru