VIGAN CITY -- Dinomina ng National Capital Region ang diamond matapos hatawin ang MIMAROPA,7-1 sa finals ng boys baseball high school division na idinaos sa Motorpool ground, Tamag sa kabisera ng Lalawigan ng Ilocos Sur.

Agad na ipinadama ng Big City batters ang kanilang bangis sa top of second inning sa unang pagtapak sa meta ni JM Barsales sa RBI(run-batted-in) ni Palaro Best Catcher Jom Santillan.

Matapos ang isa pang run sa 4th ay ibinuhos na ng NCR ang puwersa nito sa top ng 6th habang ang best pitcher na si Ethan Mitschiener na hari ng mound ay nilimitahan ang MIMAROPA batters na nakuntento lang sa isang run sa bottom 4th upang hablutin ng Big City ang ginto sa Palarong Pambansa na inorganisa ng Department of Education (DepEd) kaagapay ang Philippine Sports Commission na todo-suportado naman ni Pangulong Rodrigo Duterte katuwang si SAP Sec Bong Go.

Ang iba pang miyembro ng champion NCR IX ay binubuo nina Joaquin Alcatraz, Keej Capati, Jap Crisostomo, Charlie Calvadores, Michael Cabang, Mark Beronilla, Bop Bernardo, Dax Fabella, Joao Severino at Bersales na awardee ng Best in Stolen Bases.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA