BAGO pa siya mapanood sa pinakabagong serye na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi, bibida muna si RK Bagatsing sa unang pagkakataon sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Abril 21) para bigyang buhay ang nakakaantig na kuwento ng sikat na one-armed surfer ng Baler na si Harry Marzan.

RK copy

Bilang nag-iisang anak, busog si Harry (RK) sa pagmamahal at atensyon sa kanyang mga magulang kahit pa nasa ibang bansa ang kanyang amang si Nestor (Cris Villanueva). Ngunit nagbago lahat ng iyon nang kinailangan ng inang si Sylvia (Maricel Morales) na sundan si Nestor dahil sa sakit nitong lymphoma.

Mas gumulo pa ang sitwasyon ng kanyang pamilya nang biglang umuwi si Nestor na hindi si Sylivia, at kalaunan ay namatay rin dahil sa sakit nito. Imbes na maghari ang galit sa ina, lumaki pa ring maayos si Harry at mahilig sa surfing sa tulong ng kanyang Lola Soleng (Gina Pareno) at Lolo Pedro (Crispin Pineda).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ngunit muling susubukin ang katatagan ni Harry nang maaksidente siya at maputol ang kanyang isang braso.

Paano hinarap ni Harry ang pagsubok? Paano kaya muling nahikayat si Harry na ipagpatuloy ang pagsu-surfing?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Inigo Delen, Mara Lopez, Luis Hontiveros, Robert Bermudez, at Harold Bermudez. Sa direksyon ni Raz Dela Torre at panulat ni Benson Logronio.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi, sa ABS-CBN.