Nina Chito Chavez at Argyll Cyrus Geducos

Makikialam na ang Commission on Human Rights (CHR) sa ginawang pag-aresto at pagdetine ng Bureau of Immigration (BI) sa 71-anyos na Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ito ay makaraang simulan ng CHR ang imbestigasyon nito sa usapin kasunod ng panawagan ni Fox sa pamahalaan na bigyan siya ng due process.

Nauna nang inihayag ng CHR na “walang batayan” ang pag-aresto kay Fox kasunod na rin ng apela ng huli sa gobyerno sa mandato nito na protektahan at itaguyod ang karapatang-pantao ng sinumang mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, lahi, religious beliefs, at ugnayan sa pulitika sa bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kahapon, porma l nang nakipagpulong si Fox sa mga opisyal ng CHR, at nagpahayag ng pangamba ang komisyon na maaaring maging delikadong halimbawa sa mga dayuhang human right workers ang kaso nito.

Nagsilbing misyonero sa bansa sa nakalipas na 27 taon, sinabi ni Fox na maging siya ay nagulat sa naging pahayag ni Pangulong Duterte nitong Miyerkules na inatasan nito ang BI na imbestigasyon siya sa usaping “disorderly conduct.”

Lalo aniya siyang natakot nang ihayag ng pangulo na “ayaw siya (Fox) nitong magtungo sa bansa”.

May hinala rin si Fox na maaaring hindi tama ang lahat ng impormasyong nakarating sa Pangulo na nagresulta sa pag-aresto at pagkakakulong nito.

Naiulat na kaya inalerto ang BI sa pagpasok sa bansa ni Fox ay dahil makikibahagi ito sa partisan political activities.

Samantala, pinasinungalingan naman ng Malacañang ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi kailanman nagsalita sa mga protest action si Fox.

Bilang katibayan, iniharap ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga litrato ni Fox na may hawak na mikropono sa isang rally na isinagawa ngayong buwan.

“I heard the CBCP say that Sister Fox, although she attends rallies, has not spoken in rallies. Well, I now have a picture and this is taken April 9 in a rally organized by KMU and Gabriela partylist in front of Coca- Cola Davao City distribution center in Ulas, Davao City,” ani Roque.