Ni ADOR V. SALUTA

MAY nais na namang ipahiwatig si Kris Aquino sa mga nalalapit na araw tungkol sa kanyang career. Inaabangan na ngayong Friday kung ano ang magiging “big announcement” ni Kris na ipinost niya sa kanyang Instagram, Facebook at YouTube accounts.

KRIS copy

Nag-invite pa siya sa kanyang followers na abangan ito kasama ang salitang “homecoming” na lalong nagpa-excite sa netizens dahil baka nangangahulugan daw ito ng posibleng pagbabalik-Kapamilya ng Social Media and Online World Queen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Post ni Kris sa IG, “On #INSTAGRAM, #FACEBOOK, and #YOUTUBE my KCAPteam will help me share online exclusive news & a “homecoming” w/ all of you LIVE. Save the date please? Friday, 20 April 2018, 12 noon ?? time... #lovelovelove ♥️♥️♥️”

Bago ang post niyang ito about the “homecoming” thing, may post din siya nitong Lunes sa IG at sinabi niyang “magbabalik” na siya gamit pa ang hashtag na #home at #family.

“Ineeded to prove myself, on my own. Ineeded for them to be the ones to reach out and somehow the TIMING & the PEOPLE who did the admittedly complicated negotiations had the right chemistry. Ilove the project & have so much respect for the production team.

“In San Francisco, Iprayed for God to guide all of us in the right direction, in what would be best for all of us, now in Tokyo, Igot the all systems GO confirmation and this Friday may nininerbyos na magbabalik #home #family #lovelovelove.”

Puro positibo naman ang reaksyon ng netizens sa post ni Kris. Marami ring nag-like at nag-goodluck sa kanya.

Halos isang linggo sa Japan si Kris para sa isang endorsement shoot sa Osaka. After the shoot, nagpunta naman sila ng Tokyo para doon i-celebrate ang birthday ni Bimby.