Ni Beth Camia

Tututukan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang problema ng bansa sa ilegal na droga at terorismo.

Ayon kay Guevarra, ito ang pangunahing mandato na ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte nang manumpa siya sa puwesto kapalit ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sa kanyang unang linggo sa puwesto, tinutukan ni Guevarra ang ocular inspection sa DoJ compound at ang pakikipagpulong sa mga opisyal at kawani ng ahensiyang nasa ilalim ng kagawaran.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20