Ni Nitz Miralles

NA-SHARE ni Carla Abellana sa Instagram (IG) ang pagnanakaw sa kanya ng itinuring niyang pamilya pa naman.

cARLA copy

Hindi nagbanggit ng pangalan si Carla, pero sagot niya sa isang follower ay hindi niya maiiwasan ang taong ito dahil malapit nga sa kanya at pamilya ang kanyang trato.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I can’t. Because they’re like family to me so staying away from them is impossible,” aniya.

Pinayuhan si Carla na kumonsulta sa lawyer at kahit close sa kanya ang nagnakaw ay idemanda niya ito para matuto at hindi na ulitin sa iba ang ginawa.

Batay sa post ni Carla, parang empleyado niya ang taong ito sa isa sa kanyang mga negosyo. May nail spa at restaurant sa Makati ang aktres. Alin kaya sa dalawa niyang business ang may taong trinaydor siya?

Hindi binanggit ni Carla kung magkano ang perang nawala sa kanya, ang sabi lang niya, “Mahirap po yatang i-deadma kapag nawalan ka po ng malaking halaga ng pera dahil po sa iba sa kanila.”

Sa nagpayo naman kay Carla na “just close your eyes pray hard after inhale, exhale then shout out loud suddenly ur disappointment has gone,” ang sagot niya ay, “and so is a lot of my hard-earned money. Gone too.”

Hopefully, ma-guide si Carla ng nararapat niyang hakbang sa taong nagnakaw sa kanya. Kaya pala sobrang disappointed ang aktres at nag-post pa ng “disappointment” at “A Lot of people have been disappointing me a lot lately. Bakit kaya sunud-sunod? And why have they been letting me down like this?”