Upang ihanda ang mga eskuwelahan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo, itinakda ng Department of Education (DepEd) ang 2018 “Brigada Eskwela” sa susunod na buwan.

May temang “Pagkakaisa Para sa Handa, Ligtas, at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan”, itinakda ni Education Secretary Leonor Briones ang Brigada Eskwela sa Mayo 28-Hunyo 2, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 66 series of 2018.

Sinabi ni Briones na ilulunsad ang programa sa Mayo 24 sa isang pampublikong paaralan sa General Santos City, habang magsasagawa rin ng kick-off ceremony ang mga regional office at schools division office sa Mayo 28. - Merlina Hernando Malipot
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter