Pinasinayaan nina Ilocos Sur Gov. Ryan Singson (kanan), DepEd Sec. Leonor Briones (kaliwa) at DepEd Region-I Director Alma Torio (ikalawa mula sa kanan) at DepEd Ilocos Sur Schools Supt. Gemma Tacuycuy ang pagbubukas ng Palarong Pambansa gallery of athletes kahapon sa Vigan Convention Center.
Pinasinayaan nina Ilocos Sur Gov. Ryan Singson (kanan), DepEd Sec. Leonor Briones (kaliwa) at DepEd Region-I Director Alma Torio (ikalawa mula sa kanan) at DepEd Ilocos Sur Schools Supt. Gemma Tacuycuy ang pagbubukas ng Palarong Pambansa gallery of athletes kahapon sa Vigan Convention Center.

Ni Annie Abad

VIGAN CITY – Hinamon ni Pangulong Duterte ang mga atleta na gawin ang makakaya upang magtagumpay hindi lamang sa sports bagkus sa kanilang pamumuhay bilang mga ‘good citizens’.

Sa kanyang mensahe na ipinamahagi kahapon sinabi ni Duterte na ang pagsasagawa ng taunang multi-event ay isang maganda paraan upang pagtibayin ang pagkakaisa para sa kapayapaan at upang mailapit na rin ang mga kabataan sa sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“This gathering occurs at an oppurtune time when we are accelerating out momentum towards a harmonious and empowered society. I encourage everyone to develop our youth’s great potential by showcasing their skills and dynamic energy in their chosen sport,” pahayag ni Duterte.

Pinasalamatan ni Duterte ang lalawigan ng Vigan Ilocos Sur sa matiyaga nitong paghahanda para sa nasabing multi-sports event na lalahokan ng mahigit sa 12,000 kabataang atleta buhat sa 17 rehiyon sa buong bansa.

“I laud the Provincxe of Ilocos Sur for hosting this significant event and for bringing together or country’s most passionate and talented young athletes. I am confident that the participants’ involvement will put into display our solidarity, teamwork and sportsmanship as Filipinos,” ayon pa sa Pangulo.

Bukod kay Pangulong Duterte, dadalo rin sa nasabing opening ceremonies ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang apat na komisyuner na sina Ramon Fernendez, Celia Kiram, Charles Raymund Maxey at Arnold Agustin.

Makakasama nila sina Bowling World Champion, Paeng Nepomuceno, dating PSC chairman at produkto din ng Palarong pambansa na Swimming World champion na si Eric Buhain, at si Senador Manny Pacquiao.

Kabuuang 40 playing venues ang inihanda ng lalawigan ng Ilocos Sur na siyang pagdarausan ng mga labanan at naghanda din sila ng kabuuang 32 eskwelahan upang gawin namang billeting areas o tirahan ng mga delegasyon at mga technical officials para nasabing sa kompetisyon.