Ni REGGEE BONOAN

“ANO kaya ang mauna? Ang pumayat ako o ang uminit ang ulo ko sa hirap ng mga pinapagawa mo, Coach Elma Muros?

SYLVIA-AT-ELMA_isa lang please copy

#CoachElmaMurosCardioTraining #patayan #laitan #pikontalo #inisan #tawanan ang saya-saya lang. Happy afternoon.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito ang caption sa video post ni Sylvia Sanchez sa Facebook kahapon.

Pinanood namin ang video at nagulat kami dahil tanghaling tapat ay naka-jacket, naka-baseball cap, at maluwag na jogging pants ang suot ng aktres habang tumatakbong paakyat sa Ultra sabay baba at aakyat uli habang nakasunod sa kanya si Coach Elma.

Kilala namin ang aktres na kapag napapagod na ay umiinit na ang ulo at kailangan niyang magpahinga, pero base sa cardio training niya kay Coach Elma ay malabo siyang pagpahingahin maliban kung pupunta siya ng banyo.

Ilang taping days na lang kasi ang seryeng Hanggang Saan nina Ibyang, Arjo Atayde, Ariel Rivea, Sue Ramirez, Teresa Loyzaga, Ces Quesada, Maila Gumila at marami pang iba kaya bumalik na sa pag-eensayo ang aktres.

Biniro namin si Ibyang na paano na ang mala-porselanang kutis niya, e, nakababad siya sa araw.

“Kaya nga nakabalot ako para hindi ako masyadong ma-expose sa araw, sayang naman ang effort ko, ‘no sa pagpapaganda, ayaw ng Beautederm,” sagot niya.

Samantala, Hanggang Saan ang huling serye ng aktres ngayong 2018 dahil gusto muna niyang magpahinga, magpapayat, at paglingkuran ang pamilya niya para bago siya humarap ulit sa camera ng Agosto ngayong taon ay payat na ulit siya.

Ayaw pang banggitin ng aktres kung ano ang project niya sa Agosto.

“Basta, abangan mo,” say sa amin.