BILANG buwena-manong handog sa 2018, ang Millennium Basketball League (MBL) ay magbubukas ng panibagong season simula Abril 20 sa Central Colleges of the Philippines gym sa Sta. Mesa, Manila.

KASAMA ni Alex Wang (kaliwa) ang isa sa respetadong collegiate coach sa bansa na si Ato Tolentino.

KASAMA ni Alex Wang (kaliwa) ang isa sa respetadong collegiate coach sa bansa na si Ato Tolentino.

Sa kanilang ika-19 taon, ang MBL ay umaasa na muling magsisilbing venue para sa mga aspiring young players na nangangarap na makalaro sa mga big leagues, gayundin sa mga beterano na nagnanais pang patuloy na maipamalas ang kanilang kahusayan.

Sinabi ni MBL chairman Alex Wang na kanya nang inanyayahan ang mga pangunahing collegiate/commercial teams, sa pangunguna ng 2017 champions Colegio de San Lorenzo-V Hotel at 2016 winner FEU-NRMF, na muling lumahok sa kompetisyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Handang-handa na ang MBL para sa isa na namang hitik sa aksyon na sagupaan,” pahayag ni Wang.

“Kung naging maganda ang 2017, umaasa ako na mas magiging kapanapanabik ang 2018 para sa ating lahat,” aniya.

Sa nakalipas na taon, pinabagsak ng CdSL-V Hotel ang FEU-NRMF, 87-85, sa kanilang winner-take-all showdown upang masungkit angkampeonato sa unang sabak pa lamang sa liga.

Nanguna sina import Soulemane Chabi Yo at Jon Gabriel para sa Blue Griffins nina coach Boni Garcia at manager Jimi Lim.

Ang FEU-NRMF ay pinatnubayan nina coach Pido Jarencio at manager Nino Reyes.

Ang iba pang mga inanyayahang teams ay ang Philippine Christian University (Elvis Tolentino/Dr. Junifen Gauuan); Diliman College (Rensy Bajar/Sen.Nikki Coseteng; Emilio Aguinaldo College (Ariel Sison/Dr. Jose Campos); Wang’s Ballclub-Asia Tech (Pablo Lucas/Shelalin Guden); Trace College (Nomar Isla); College of St. John Paul (Kiko Flores/Cherry Mendoza) at Caloocan Supremos (John Kallos/Mayor Oca Malapitan).Sa iba pang mga katanungan, tumawag lamang kay Albert Andaya sa mobile 0917-7688638.