Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isa sa limang lalaki, na pawang hinihinalang holdaper, habang sugatan ang isang pulis nang mauwi sa engkuwentro ang checkpoint sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

UMIWAS SA CHECKPOINT Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos umanong tangkaing tumakas, kasama ang apat pang lalaki, habang sakay sa dalawang motorsiklo sa checkpoint sa P. Ocampo St., sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi. (JUN RYAN ARAÑAS)

UMIWAS SA CHECKPOINT Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos umanong tangkaing tumakas, kasama ang apat pang lalaki, habang sakay sa dalawang motorsiklo sa checkpoint sa P. Ocampo St., sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi. (JUN RYAN ARAÑAS)

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek na inilarawang nakasuot ng asul na T-shirt, maong na pantalon at sandals, habang nakatakas naman ang apat niyang kasama, na ang isa ay sugatan matapos na tamaan ng awtoridad.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Samantala, sugatan din sa insidente si PO1 John Rupert Agustin, na nadaplisan ng bala sa hita.

Ayon kay Police Chief Insp. Paulito Sabulao, hepe ng Arellano Police Community Precinct (PCP), na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 9, naganap ang engkwentro sa Estrada Street, kanto ng Taal St., sa Malate, bago mag-2:00 ng madaling araw.

Una rito, nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa P. Ocampo St., malapit sa kanto ng Arellano St., nang mamataan ang mga suspek, na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo, na umiwas at humarurot palayo.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang mga suspek at pagsapit sa Estrada St., pinaputukan sila ng mga suspek.

Ayon kay Sabulao, dito na napilitan ang kanyang mga tauhan na barilin ang mga suspek at tuluyang bumulagta ang isa sa kanila.

Ayon sa awtoridad, posibleng may kinalaman ang mga suspek sa mga insidente ng holdapan at snatching sa lugar.

“Last week ay mayroon na silang dalawang insidente ng robbery holdup, riding-in-tandem. Malamang ito ‘yung mga umiikot ng ganitong oras upang mambiktima,” ayon kay Sabulao.