Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isa ang nasawi at apat pa ang nasugatan nang magkarambola ang apat na sasakyan sa national highway ng Barangay Aguso, Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jeffrey Alcantara, ng Tarlac City Police, dead on arrival sa ospital si Albert Justin Sicat, 28, driver, ng Sitio Bakle, Bgy. Aranguren, Capas, Tarlac.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasugatan naman sina Dies Sadulang, 49, ng Infanta, Pangasinan; Jeffrey Laban, 36, ng Olongapo City; Aesha Adel Shafah, ng San Pedro, Laguna; at Sarah Cabalot, 29, may asawa, ng Baguio City.

Sangkot sa karambola ang truck mixer, na minamaneho ni Joseph Terrible, 29, ng Bgy. Bora, Tarlac City; ang motorsiklo ni Ariel Yango, 52, may asawa, ng Bgy. Aguso, Tarlac City; at dalawa pang sasakyan.

Dakong 9:30 ng gabi nang magkarambola ang apat na sasakyan sa national highway ng Bgy. Aguso, Tarlac City.