STA ANA, Cagayan – Masisilayan ang husay at katatagan ng ilang world-class riders sa pagharurot ng 2018 CEZA-Eastern Hawaii National Motocross championship sa world-class track na may basbas ng Federation Internationale de Motocyclisme (FIM) international.

Lambino

Lambino

Ang karera ang ikalawang round ng Philippine championship series ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA),ang lokal na asosasyon na nagangalaga sa motorcycle sport sa bansa.

Nakatakda ang karera sa April 14-15.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The circuit is 95% complete and meets FIM international safety standards. It will be fully operational in a few days, made out of sandy loam which is weatherproof and the deep sand will be good rider training for race bike control like in Europe, the first of its kind in the Philippines” pahayag ni NAMSSA president Stephan Macky Carapiet, nahalal na bagong pangulo ng FIM Asia.

Ang pagpapatayo ng Sta. Ana track, sa pamamagitan ni Mayor Darwin Tobias, ay isinagawa sa pangangasiwa ng NAMSSA, batay sa kagustruhan at ipinapatupad na batas ng NAMSSA.

Ang NAMSSA ang tanging kinikilalang motor sports association sa bansa ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sinabi ni Tobias na naglatag na rin ang Municipality of Sta. Ana ng mga programa para masiguro ang tagumpay ng torneo na naglalayon ding maipakita sa sambayanan ang CEZA bilang isang tourist destination.

Ang kauna-unahang motocross championship ay humatak sa partisipasyon ng mga riders mula sa Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Laguna, Taytay, Laoag, Vigan, Isabela, Baguio, Montalban, Tugegarao, gayundin ang pagangat nina Asian campaigners Motocross Rider of the Year Kenneth San Andres.

“Everything is set. The riders are all excited. Everyone’s raring to give motocross fans of Cagayan a motocross competition to remember,” sambit ni NAMSSA president Mike Carapiet.

Nakataya ang mga tropeo at premyo sa mga riders na mangunguna sa pagtikim sa aksiyong inihanda ng orgabizers. Ang two-daty event at may babas nina Sec. Lambino, Mayor Tobias at Eastern Hawaii,

“We would wish to inform racers that official practice is on Saturday and race day is on Sunday and that NAMSSA racing licenses shall be issued on site,” sambit ni Carapiet.

“We are proud to have this sport closely associated with CEZA,” aniya.