Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang lalaki, na kabilang sa drugs watch list, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakatambay sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Bambang, Pasig City kamakalawa.

Dead-on-the-spot si Al Geraldo Beltran, 43, residente ng naturang barangay, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Samantala, inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga armado, na humarurot matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang pamamaril sa tapat ng Patchie’s Store, na matatagpuan E. Santos Street, Bgy. Bambang, bandang 11:15 ng umaga.

Nakatayo umano ang biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek sakay sa motorsiklo.

Bumaba umano ang backrider, na nakasuot ng shorts at may dalang backpack, at pinagbabaril ang biktima.

Bumulagta umano ang biktima matapos tamaan ng bala sa ulo at katawan, ngunit muli pa itong pinagbabaril ng suspek.

Inaalam na ng awtoridad kung posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay dahil kabilang umano ang biktima sa drug watchlist ng pulisya.