Ni JIMI ESCALA

UMANDAR na naman ang pagiging emosyonal ni Melai Cantiveros. Sa episode ng Magandang Buhay last Tuesday ay hindi na naman niya napigilang umiyak.

MELAI copy

Napaluha si Melai nang makita ang picture ng kanyang pamilya kasama ang lola niyang yumao na. Lalo siyang napahagulhol nang kumustahin sa kanya ni Karla Estrada ang pagdiriwang ng kaarawan niya na wala na ang kanyang lola.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Taun-taon kasi pumupunta si Lola rito. ‘Tapos ngayon kamamatay lang niya. Sobrang happy naman kami lalo na ako siyempre, dahil ang alam ko nasa heaven ang lola ko,” sabi ng komedyanang TV host.

Inamin ni Melai na hindi niya napipigilang malungkot tuwing naaalala ang lola niya.

“Every birthday ng sinuman sa amin, eh, meron kaming nine nights before ng birthday mismo at nagno-novena pa kami sa Birhen de la Asuncion para maging malusog kami at si Lola ang number one d’yan,” kuwento ni Melai.

Isa sa mga birthday wish ni Melai ang patuloy daw sanang pagiging inspirasyon niya sa ibang tao. Pinasasalamatan niya ang mga inspirasyon naman niya sa pangunguna ng kanyang pamilya, mga kaibigan at tagahanga.

Sa edad 30, kuntento na raw siya sa kanyang buhay at kung anuman ang naabot niya.

“Ano pa ba ang maaari kong hilingin sa Kanya? Kasi meron na akong asawa na laging and’yan, may anak akong dalawa, ang pamilya ko, eh, nasa good health, pasalamat sa Panginoon.”

Binanggit niya na pagdating naman sa financial ay okey naman sila.

“Salamat talaga kay Lord, okey na okey kami pagdating sa financial. May mga kaibigan ako, thank you. Ang work ko, napaka-happy ako sa work kasi masasabi ko talaga na hindi ako maghahabol sa gastuhin.

“So, salamat talaga kay Lord dahil for me, as far as I can remember, eh, ito ‘yung isang celebration ko na kuntento ako,” seryosong lahad pa ni Melai Cantiveros.