Ni Fer Taboy

Aabot sa P3.7 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng pulisya sa isang umano’y leader ng isang drug syndicate sa Bacolod City, Negros Occidental nitong Martes ng gabi.

Ang suspek, na itinuturing na high-value target (HVT), ay kinilala ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Bacolod City Police Office (BCPO) na si Jeffrey Virgil, 35, ng Barangay 33, Bacolod City.

Ayon kay Insp. Adrian James Albaytar, hepe ng CDEU, matagal na nilang minamanmanan ang illegal drug activities ng suspek at nang makakuha sila ng pagkakataon ay isinagawa na nila ang pag-aresto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Narekober ng pulisya ang 15 bulto ng umano’y methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P3.7 milyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bacolod Police Station-6 ang suspek, na nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).