BERLIN (AP) – Anim na katao ang inaresto kaugnay sa planong magsagawa ng terrorist attack sa half-marathon ng Berlin nitong Linggo, sinabi ng German authorities.

“There were isolated indications that those arrested, aged between 18 and 21 years, were participating in the preparation of a crime in connection with this event,’’ saad sa joint statement ng prosecutors at pulisya.

Unang iniulat ng pahayagang Die Welt na napigilan ng pulisya ang planong pag-atake gamit ang patalim sa mga manonood at partisipante.

Ang pangunahing suspek ay kilala si Anis Amri, ang Tunisian na pumatay ng 12 katao at sumugat sa dose-dosenang iba pa nang minaneho nito ang isang truck sa Christmas market sa Berlin noong Disyembre 2016, iniulat ng Die Welt.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon