Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Inaresto ang isang lalaki makaraang sakalin at paghahatawin sa ulo ang kanyang maybahay nang tumanggi ang huli na magtalik sila sa ikalawang sunod na pagkakataon sa Barangay Bantog, La Paz, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Carol Almazan, arestado at kakasuhan ng paglabag sa Anti- Violence Against Women and Children (RA 9262) ang 35-anyos na suspek sa pananakit sa kaedad niyang misis sa kanilang bahay sa Bgy. Bantog sa La Paz.

Sinabi ng biktima na dakong 4:00 ng hapon nang dumalo silang mag-asawa sa isang binyagan sa Bgy. Caut, La Paz, at doon ay nakipag-inuman ang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang umuwi, pinilit umano ng suspek na magtalik sila, ngunit nang humirit sa ikalawang pagkakataon ay tumanggi na ang ginang.

Dito na umano siya sinakal ng mister at pinagpapalo ng matigas na bagay sa ulo hanggang sa mapalupasay siya sa sahig.