Ni Nitz Miralles

SABAY yata nag-post sa Instagram (IG) sina James Yap at live-in partner na si Michela Cazzola ng photo ng huli para i-announce na buntis ito sa kanilang second baby.

MICHAELA AT JAMES copy

Magkaiba ang picture ni Michela na ipinost ng magdyowa sa IG niya, pero parehong nakahawak si James sa baby bump ng girlfriend. “Growing family” ang caption ni James sa picture. Walang caption ang post ni Michela, na nag-post lang ng pink ribbon emoji, kaya inisip ng mga nakakita na baby girl ang kanyang ipinagbubuntis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ang nag-congratulate kina James at Michaela at hindi maiwasang may makialam at pangunahan ang dalawa sa kanilang desisyon. May nag-comment na pakasalan na ni James si Michaela para raw “hindi lahat anak mo illegitimate. Michela deserves it and more.”