Ni Fer Taboy

Sumugod sa tanggapan ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 56 na biktima ng bitcoin online investment scam, kasunod ng pagkakaaresto sa mag-asawang suspek.

Tinatayang nasa P900 milyon ang nakuha sa mga biktima, na mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinilala ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mag-asawang suspek na sina Arnel Ordonio, 27; at Leonady Ordonio, may-ari ng kumpanyang NewG, at nakatakdang sampahan ng kasong syndicated estafa matapos maaresto sa entrapment operation ng CIDG nitong Abril 4.

Ayon sa CIDG, pinangakuan ng Bitcoin Online ang mga investor na dodoble ang kanilang investment sa loob lamang ng isang linggo.

Sa pahayag ng mga biktima, magiging P50,000 umano ang kanilang P25,000 na ipinangako ng bitcoin.

Nabisto nila ang scam nang mabigo ang kumpanya na tuparin ang ipinangakong bayad sa mga namuhunan.