Ni Czarina Nicole O. Ong

Ipinag-utos ang pagpapakulong kina dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles sa Quezon City Jail Annex ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, matapos na maglabas ng warrants of arrest ang Sandiganbayan Sixth Division kaugnay ng kinakaharap nilang kaso ng plunder.

Nagpipiyansa sila sa Sandiganbayan kahapon nang isilbi ang kani-kanilang warrant.

Kahapon ng umaga, kapwa nagpiyansa ng P60,000 sina Argosino at Robles, para sa kanilang kasong graft, direct bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang kanilang mga co-accused na si Asian Gaming Service Providers Association, Inc. (AGSPA) President Wenceslao Sombero Jr. at ang Chinese gaming tycoon Jack Lam ay kapwa inisyuhan ng commitment orders.

Sina Argosino, Robles at Sombero ay kinasuhan ng plunder at graft sa pagkakasangkot sa pangingikil ng P50 milyon mula sa 1,316 Chinese na naaresto sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Sa charge sheets na inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Lucielo Ramirez Jr., inakusahan si Sombero na nagsagawa ng deal para kina Argosino at Robles, na nagbulsa umano ng P50 milyon mula kay Lam noong Nobyembre 27, 2016.

Kapalit ng pera, binigyan nila umano ng pabor para palayain ang mga naarestong Chinese na nakapiit sa Fontana Leisure Park sa Clark Field, Pampanga,dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws, nakasaad sa charge sheet.