Ni Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 31-anyos na umano'y drug surrenderer matapos madakip ng pinagsanib na mga tauhan ng lokal na pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, sa Barangay Pasong- Intsik sa Guimba, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Pinangunahan ni Supt. Gerald Licyayo ang operasyon, at naaresto si Luie Tres Dela Cruz, alyas "Ayeng", ng nasabing barangay.

Nasamsam umano sa suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng droga at marked money.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Si Dela Cruz ay matagal nang nasa watch list ng Guimba Police Station, at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).