Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Hindi akalain ng isang lalaki na ang paghawak niya sa basang poste ng kawayan, na may gumapang na high-voltage line, ang magdadala sa kanya sa kamatayan sa Barangay Maungib, Pura, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Sacred Heart Hospital si Francisco Domingo, 36, habang malubha naman ang kapatid niyang si Manalo Domingo, 38, na nagtangkang sumaklolo sa kanya, dakong 8:40 ng gabi.

Nauna rito, bumuhos ang malakas na ulan at nakasilong si Domingo nang aksidente niyang nahawakan ang grounded na poste ng kawayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog