Ni RIZALDY COMANDA

LA TRINIDAD, Benguet - Hindi na umubra ang pagiging madulas sa pulisya ng isang konsehal ng Kalinga, nang masakote ito matapos na mahulihan umano ng droga at mga baril sa buy-bust operation sa nasabing lugar, nitong Linggo ng madaling-araw.

Si Dexter Gayawet Batalao, 31, binata, konsehal ng Pasil, Kalinga ay naaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch, Kalinga Drug Enforcement Unit, Tabuk City Police, Pasil Municipal Police, Regional Intelligence Division at Regional Intelligence Unit 14, dakong 2:30 ng madaling-araw.

Ikinokonsidera ng pulisya si Batalao bilang high-value target (HVT).

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Bukod sa hindi pa matukoy na halaga ng droga at P1,000 marked money, nakumpiska rin umano sa inuupahang bahay ng konsehal sa Sitio Pantal Brookside, Bulanao, Tabuk City, ang isang Ingram machine pistol na may nakakabit na magazine at silencer accessory, anim na rolyo ng bala ng .45 caliber pistol, 44 na rolyo ng bala ng .9mm, at drug paraphernalia.

Batay sa record ng Police Regional Office-Cordillera sa La Trinidad, Benguet, dati nang sumuko si Batalao sa Oplan Tokhang noong Hulyo 16, 2016.