Mula sa Entertainment Tonight

LUMABAS si Jenna Dewan sa Los Angeles nitong Sabado, at mapapansin na hindi na suot ng aktres ang kanyang wedding ring.

Jenna copy

Wala pang isang linggo mula nang ipahayag ni Dewan at ng ex niyang si Channing Tatum na nagdesisyon sila “(to) separate as a couple” pagkaraan ng walong taong pagsasama, nang mamataang nagsa-shopping ang 37 taong gulang na World of Dance host sa Chinatown.

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

Suot ni Dewan ang isang classy-casual, mid-length denim spaghetti strap dress, black, strappy heels at isang pares ng dark aviator sunglasses, na tinernohan ng isang delicate gold necklace. Gayunman, wala siyang suot na singsing habang naglilibot sa pamimili ng iba’t ibang souvenirs.

Ito ang unang pagkakataon na namataan si Dewan sa publiko na walang suot na wedding ring.

Ilang oras bago ilabas ng couple ang kanilang joint statement noong Abril 2, na nagsasaad ng kanilang desisyon para maghiwalay, ay nakita pa si Dewan na suot ang kanyang wedding nang lumabas. Suot ng model ang kanyang diamond encrusted ring sa kanyang yoga class.

Nakuhanan din siya ng litrato na suot pa ang kumikinang na engagement ring at wedding band sa red carpet ng iHeartRadio Music Awards noong Marso 11.

Unang inihayag ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa isang Instagram post, at isinaad na, “First off, it feels odd that we have to share this kind of thing with everyone, but it’s a consequence of the lives we’ve chosen to lead, which we also happen to be deeply grateful for. We’re living in an incredible moment in time, but it’s also a time where truth can easily get distorted into ‘alternative facts.’ So we want to share the truth so you know that if you didn’t read it here then it’s most certainly fiction.”

Ipinaliwanag sa pahayag na nagdesisyon sila “(to) lovingly separate” at ito ay “absolutely nothing has changed about how much we love one another, but love is a beautiful adventure that is taking us on different paths for now.”

Nagkakilala sina Tatum at Dewan noong 2006 sa set ng dance drama na Step Up at nagkaroon ng relasyon pagkatapos nito. Nagpakasal sila noong Hulyo 11, 2009, na ginanap sa Church Estates Vineyards sa Malibu, California, at nagsilang ng anak si Dewan noong Mayo 31, 2013.

Noong Pebrero, nagsalita si Dewan sa Health magazine at sinabi niya ang pagsasama nila ng Magic Mike star ay hindi “perfect” at may mga araw na “(they)don’t really like each other.”

“When people say, ‘You guys have such a perfect life,’ I want to scream and tell them, ‘No one’s perfect,’” aniya.

“I think there are such things as great fits. It is a great fit as long as you are growing together, and I think up until this point we’ve really grown together. Even if one starts to grow, the other catches up and vice versa.”

“But I think a couple needs to be conscious and to want to do the work and be willing to look at the parts of you that need work,” pagtutuloy niya. “Both of us have been pretty aware and willing to do that. We’ve always had the same values.”

Kamakailan ay isiniwalat ng isang source sa ET na ang dating mag-asawa ay gumawa ng paraan para mapanatili ang kanilang relasyon, ngunit hindi na nila kinaya. Ayon sa source, hindi tumanggap si Tatum ng anumang pelikula sa loob ng mahigit isang taon dahil gusto niyang bigyan ng oras si Dewan at ang kanilang anak.