Ni Nora Calderon

AYAW patulan ni Barbie Forteza ang intriga na makasisira sa promotion at box office returns ng bago niyang pelikulang Almost A Love Story with Derrick Monasterio ang real love affair niya sa boyfriend na si Jak Roberto.

Barbie at Derrick copy

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Marami na rin po akong nagawang project na iba-iba ang leading man ko, pero never po akong nagpanggap na iyong leading man ko, i-push na ma-link sa akin in real life,” paliwanag ni Barbie. “Ayaw ko pong mapagbintangan na ginagamit ko ang private life ko to promote the movie o kahit anong project ko. Paniwala ko rin po na hindi kailangang maging kayo ng ka-love team mo para panoorin kayo ng mga tao. As to Derrick po, ilang beses na kaming nagtambal pero hindi po naging kami talaga.

“Totoo pong ilang beses nagtangkang lumigaw sa akin si Derrick, pero napakabata pa namin noon. Nakilala ko po naman ang totoong ugali ni Derrick, napakabait niya, lalo na sa mama at sister niya. Pero that time, hindi pa po ako talaga ready na makipag-boyfriend, focused po ako sa career ko at gusto kong matupad ang wish kong mag-succeed sa trabaho ko.

“Pero dahil nga matagal na kaming magkakilala ni Derrick, close kami at very comfortable akong katrabaho siya. Kaya kung kailangan sa eksena na sweet kami, hindi kami naiilang sa isa’t isa, ibinibigay namin kung ano ang hinihingi ng eksena. Honest po lamang ako pagdating sa trabaho.”

Ang Almost A Love Story ay partly shot in Italy ni Direk Louie Ignacio at sa Wednesday, April 11, ang showing nila sa cinemas nationwide.

Pero tiyak na ikatutuwa ng DerBie fans na after ng showing ng Almost A Love Story ay mapapanood naman sa primetime block ng GMA 7 ang bagong romantic-comedy series nina Barbie at Derrick, ang Inday Will Always Love You na kinunan naman ang kabuuan sa magagandang lugar sa Cebu City, produced by GMA Public Affairs.