Ni Reggee Bonoan

TRULILI kaya ang nabalitaan naming lumipat na sa ABS-CBN si Ryza Cenon? Wala na ba siyang kontrata sa GMA-7?

RYZA copy

Natatandaan namin na nagsalita ng patapos si Ryza na hinding-hindi niya iiwan ang GMA-7 na naka-discover sa kanya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Siya ang nanalong Female Ultimate Survivor sa Starstruck Season 2.

Kahit lumipat sa Viva Artist Agency noong nakaraang taon ay nagpahayag si Ryza na open siyang gumawa ng pelikula sa alinmang movie outfit pero sa mananatili siya sa GMA-7 gagawa ng TV show bilang pagtanaw ng utang na loob.

Sa katunayan, naging household name ang karakter niyang si Georgia sa seryeng Ika-6 Na Utos.

Nagwakas na ang nasabing serye pero wala pa raw bagong offer ang Kapuso Network sa dalaga.

Timing naman na may offer ang ABS-CBN kaya tinanggap daw ito ng Viva Artist Agency.

Ang huling pelikulang nagawa ni Ryza ay ang Mr. and Mrs. Cruz na idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo for Viva Films at nagpanalo sa aktres ng Yakushi Pearl award sa katatapos na Osaka Asian Film Festival.