Ni Bert De Guzman
Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang batas na nagkakaloob ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) coverage sa persons with disability (PWDs) o mga may kapansanan.
Ang pondo para sa enrollment ng PWDs ay kukunin mula sa kinita ng Republic Act 10351 (“An Act Restructuring the Excise Tax on Alcohol and Tobacco Products”).
Binanggit ni Rep. Micaela Violago, may-akda ng panukala, ang 2010 Census on Population and Housing na tinatayang 16 sa bawat 1000 mamamayan ang may kapansanan o 1.6 milyong Pilipino.