Ni Lyka Manalo

SAN JUAN, Batangas - Isang 12-anyos na babae ang nalunod sa isang beach resort sa San Juan, Batangas nitong Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Ria Ruiz, ng Barangay Mabalanoy, San Juan.

Inoobserbahan pa sa San Juan District Hospital ang pinsan ni Ruiz na si John Raver Paradero, 9, ng nabanggit ding barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Iniulat ni SPO1 Richard King Valenzuela na dakong 5:30 ng hapon at lumangoy ang magpinsan sa Bgy. Subukin, kasama ang mga kaanak nang hampasin ng alon si Ruiz na ikinasawi nito.