ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network sa buong bansa nitong Marso. Naghari sa top ten list ng mga pinakapinanood na programa at nagkamit ng average audience share na 46% (hindi kabilang ang Holy Week), laban sa 32% ng GMA, ayon sa data ng Kantar Media.

The country's most watched programs in March copy

Nanguna ang Kapamilya network sa bawat sulok ng bansa, partikular na sa Metro Manila sa nakamit nitong average audience share na 42%, kumpara sa 27% ng GMA, at sa Mega Manila sa nakamit namang average audience share na 37% laban sa 35% ng GMA. Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa nairehistrong 42%, kumpara sa 35% ng GMA; sa Total Visayas sa naitala namang 56%, laban sa 25% ng GMA; at sa Total Mindanao sa nakamit na 54%, at tinalo ang 28% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nanatili pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.3%) sa trono nitong Marso bilang numero unong serye sa bansa, kasunod ang Pilipinas Got Talent (38.1%), ang pagtatapos ng La Luna Sangre (37.2%) at Bagani (33.4%) na pinakabagong fantaserye ng Dos.

Patuloy na inaabangan ang mga kuwento ng inspirasyon sa Maalaala Mo Kaya (31%), pati na rin ang mga nagbabagang balitang sa TV Patrol (30.7%).

Patok pa rin ang mahiwagang kuwento ng aral ng Wansapanataym (25.8%), ang panibagong yugto ng Home Sweetie Home (24.4%), ang Rated K (23.2%), at ang hit primetime series ni Erich Gonzales na The Blood Sisters (21.3%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks, partikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN) na nagkamit ng average audience share na 51%, o 21 na puntos na lamang laban sa 30% ng GMA.

Tinutukan din ang Kapamilya Network sa morning block (6 AM to 12 NN) na nagrehistro ng 39%, kumpara sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) na pumalo sa 45%, laban sa 35% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM) na nagkamit ng 45%, at tinalo ang 36% ng GMA.