Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang security guard matapos na ireklamo ng kinakasama na umano’y binugbog nito dahil sa selos sa Barangay San Pablo, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Sa reklamo ng biktima, bigla na lang umano siyang binugbog ng 47-anyos niyang kinakasama, taga-Sitio Oriente 2, Fairlane-By-Pass Road, Bgy. San Vicente, Tarlac City matapos maghinala itong may iba siyang karelasyon.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262).