Ni Charissa M. Luci-Atienza

Sa tulong ni Pangulong President Duterte at ni Saudi Prince and Interior Minister Abdulaziz bin Saud bin Naif, makakauwi na sa wakas ang Filipina household service worker na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang babaeng amo sa Riyadh noong 2014.

Inihayag ni ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III na inimpormahan siya ni Saudi Arabia Ambassador Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy na ang 26-anyos na si Fahima ‘Candies’ Alagasi, tubong Pikit, Cotabato ay malapit nang umuwi.

“I am pleased to report that a few hours ago, I received a phone call from Saudi Arabia’s Ambassador to Manila, (His Excellency) Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy, who informed me that Fahima can now leave Riyadh and come home anytime,” sinabi ni ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III sa mga mamamahayag sa press conference.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ni Alagasi na napabilis ang repatriation sa tulong nina Pangulong Duterte at ng Saudi Prince na binayaran ang $66,000 (250,000 Saudi riyal) damages claim ng employer laban kay Alagasi, na tumakas at nagpasaklolo sa Philippine embassy sa Riyadh.