Ni Gilbert Espeña

PORMAL nang umatras kahapon si dating WBC middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez sa kanyang rematch kay undisputed 160 pounds titlist Gennady Golovkin ng Kazakhstan sa Mayo 5 sa Las Vegas, Nevada.

Nakatakdang dumalo si Alvarez sa pagdinig sa susunod na linggo sa Nevada State Athletic Commission (NSAC) na pansamantala siyang sinuspinde matapos magpositibo sa bawal na gamot na clenbuterol.

Nilinaw ni Eric Gomez, presidente ng Golden Boy Promotions, na naobligang umatras sa laban si Alvarez sa kasalukuyang sitwasyon sa NSAC kaya mapipilitan ang mga promoter na ihanap ng bgaong makakalaban si Golovkin.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa isang press conference/conference na ipinatawag ni Alvarez sa Los Angeles, California, idiniin niya na hindi siya gumagamit ng performance enhancing drugs (PEDs) at nakakain lamang siya ng kontaminadong karne ng baka sa kanyang lugar sa Mexico.

“I am truly shocked by what has happened and I lament that his has led people to have doubts and suspicions about my athletic integrity,” sabi ni Alvarez sa Boxingscene.com. “I have always been a clean fighter and I always will be a clean fighter. I want to apologize for all of the inconvenience that this has caused to HBO, MGM, Tecate, Hennessy, all my other sponsors, the media and to everyone that is involved in the promotion of this event – and especially to the fans. To them I want to say, I have not let you down. I respect the sport and I will always be a clean fighter.