Ni Rommel P. Tabbad

Inilabas na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang P12-milyon ayuda sa Batanes matapos itong salantain ng super typhoon ‘Ferdie’ noong 2016.

Ito ay matapos aprubahan ng konseho ng lungsod ang pagpapalabas ng ayudang pinansiyal para sa mga bayan ng Basco, Ivana, Itbayat at Mahatao sa lalawigan.

Ang inilabas na pondo ay bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management Fund ng siyudad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang humingi ng tulong sa lungsod ang mga alkalde ng apat na bayan ng Batanes upang maisaayos at maibalik sa dating anyo ang iba’t ibang imprastruktura at pasilidad sa kanilang lugar matapos itong hagupitin ng bagyo.

Saklaw ng ayuda ang pagsasaayos sa Ivatan Lodge sa Basco, pagkukumpuni ng Itbayat District Hospital sa Itbayat, rehabilitasyon ng munisipyo ng Ivana, at rehabilitasyon ng day care center at seaport-seawall sa Mahatao, Batanes.

Matatandaang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Ast ronomical Services Administration (PAGASA) na ang nasabing bagyo ang pinakamalakas na tumama sa Batanes dahil sa taglay na lakas ng hangin nito na aabot sa 220 kilometer per hour (kph) at bugsong 225 kph.