VATICAN CITY (AP, Reuters) – Libu-libong mananampalataya ang dumaan sa matinding security checks para makapasok sa St. Peter’s Square at makilahok sa Easter Sunday Mass na ipinagdiwang ni Pope Francis.

Binuksan ng papa ang Easter festivities sa isang Tweet sa mga Katoliko sa buong mundo: “Our faith is born on Easter morning: Jesus is alive! The experience is at the heart of the Christian message.’’

Nagtipon ang pilgrims mula sa iba’t ibang sulok ng mundo at ng Italy sa square na pinalamutian ng spring flowers para marinig ang pagpahayag ni Pope Francis ng tradisyunal na ``Urbi et Orbi’’ (to the city and to the world) Easter message mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica.

Kabilang sa security precautions ang pagsuri ng mga bag at metal detector wands para sa lahat ng pumapasok sa square. Isinara ang Via Conciliazione avenue patungo sa Vatican gayundin ang maliliit na kalye sa paligid nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa Easter Vigil Mass nitong Sabado, bininyagan ni Pope Francis ang walong matatanda, kabilang ang isang dating pulubing undocumented Nigerian migrant na naging bayani nang disarmahan niya ang isang magnanakaw na Italian na may hawak na palakol.

Nagsimula ang misa na madilim St. Peter’s Basilica bago binuksan ang mga ilaw, na sumisimbolo sa paglipas ng kadiliman pagpasok sa liwanag na ayon sa Bibliya ay simbolo ng pagkabuhay mula sa kamatayan si Jesus.

Tradisyunal na sinasalubong ng papa ang mga bagong miyembro ng simbahan sa misa sa Sabado ng gabi.