Ni Reggee Bonoan

SA set visit sa The Good Son inamin ni Jerome Ponce na bihira silang magkita ng girlfriend niyang volleyball player na si Mika Reyes na naglalaro ngayon sa Petron Blaze Spikers dahil pareho silang busy, pero nagagawan naman daw ng paraan.

Jerome PoNCE copy

Ayon sa gumaganap na panganay na anak sa TGS bilang si Enzo, “Tulad ng sinabi ko, ‘pag gusto mo gagawan at gagawan mo ng paraan, hahanap at hahanapan mo ng oras. Wala tayong magagawa, mas masarap talaga minsan na makasama mo ang taong gusto mo kaysa matulog.’

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nabanggit namin kay Jerome na nakita namin silang nagmo-malling at kumain sa Promenade, Greenhills.

‘Yeah, ‘yun ang pinaka-bonding namin, malling at kumain, plus manood din ng sine,” sagot ng binata.

Samantala, tinanong si Jerome kung nagkausap sila ni John Estradabago ito umalis ng TGS at kung nagpaalam ba sa kanya?

“Nagpaalam? Hindi. Pero nag-chat ako sa kanya, ‘Kuya, mayroon ka na palang bagong gagawin, miss na kita. Di ka man lang marunong magpaalam.’

“Sabi niya, ‘I really appreciate your text. I really miss you too,’ ganyan. ‘See you soon.’ Sabi ko, ‘See you soon.’”

Napanood din niya sa YouTube ang sinabi ni John sa interview na sa young actors na nakasama nito sa The Good Son ay nagagalingan ito kay Jerome.

“Ay, oo, sa YouTube, napanood ko ‘yun. Nag-thank you ako nang personal kay Kuya John, pero wala akong pinili, nabanggit niya ako.Nu’ng kasi nag-MMK kami, ako ‘yung batang John Estrada. Nakita ko agad siya naka-shades, lumabas sa kotse, hala, nakaka-intimidate.

“Hindi ko pa nakakasama sila Ms. Eula (Valdez), umupo agad siya, kumain. “Sabi ko ‘The boss,’ I mean, parang saludo. ‘Tapos, parang di kami nagkapansinan, bati lang ako, ‘Ba-bye po.’

Sa taping ng TGS na naging close sina John at Jerome.

“Nung nagkita kami uli, ‘Kumusta, tumaas ratings natin, ah,’ nagkausap kami. Siya ‘yung unang nakaeksena ko.

“Napansin ninyo sa party, siya ‘yung unang kaeksena ko. Siya, masaya lang; ako, galit ako sa dad ko. Siya y’un, ‘Alam mo, Rome (tawag kay Jerome), payo lang, ha ‘ganu’n siya,” kuwento ng binatang aktor.

Humanga si Jerome sa pagiging humble ni John.

“Sabi ko, beteranong aktor, parang siya pa ‘yung nag-suggest, siya pa ‘yung open. Di ba, ‘pag beterano ka, alam nila ang tama, sila ang magsasabi, ‘Ganito ang gawin mo, mali ‘yan.’ Open siya, wala akong pagdadalawang-isip, ‘Sige po, gagawin ko’.

“Saka inaaya niya ako lagi out of everyone sa cast, ako ‘yung inaaya niyang kumain. Kakain lang, lunch lang, kunwari may malapit na resto.”

Sunud-sunod ang projects ni Jerome dahil habang umeere pa ang The Good Son ay gumagawa na siya ng pelikula sa Regal Entertainment na may titulong Walwalan kasama sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

“Masaya... masaya naman, pero siyempre pagod. Nami-miss ko ‘yung panahon na nakakatulog ako. Pero mas maganda nga ‘yung nakakatulog ka nang pagod kaysa gising ka nang pagod.

“To be honest, hindi ko naman siya hinintay, it’s just bigay ito, e. Bakit mo tatanggihan ang mga bigay sa iyo na nandiyan na sa harap mo?

“Siguro ako, tumatanggi ako dati. Hindi ko sineryoso. Hindi ko tiningnan ang sarili ko para dito, hindi ako para dito, ganun.

“Heto, dumating na, parang ganun na nga, hinintay ko yung blessing, tinanggap ko. Dati kasi, ang nasa isip ko lang, magpa-cute, basa lang ng scripts, tapon.

“Eskuwelahan din ito, binigyan ka ng libro, aralin mo. Pag inaral mo, ipakita mo sa kanila kung ano ang natutuhan mo.”

‘Yun lang dahil sa Walwalan ay may isang project si Jerome na nawala,Ang Babaeng Allergic sa Wifi kasama sina Sue Ramirez at Jameson Blake. Nakapag -shoot na sila ng teaser sa direksiyon ni Jun Robles Lana under IdeaFirst Company.

Suwerte ni Marcus Patterson dahil siya ang ipinalit kay Jerome sa pelikula para makasama nina Sue at Jameson.