LUMUTANG ang balitang aalis na sa GMA-7 si Gabbi Garcia at lilipat sa ibang network na obviously ABS-CBN dahil sa cryptic post sa Twitter na, “How 2 make the right decision.”

Gabbi copy

Ang dating nito sa mga nakabasa ay malapit na siyang mawala sa Kapuso Network dahil wala na siyang show kundi ‘yung online program niya kasama sina Atom Araullo at Joseph Morong.

Pinatay ang karakter ni Gabbi sa Sherlock Jr., na ikinagulat nito batay na rin mismo sa post niya. Nauna rito, matagal na siyang hindi napapanood sa Sunday Pinasaya, nag-leave of absence siya for two months to concentrate on her studies na pinayagan naman.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magkakaiba ang reaction ng fans sa balitang paglipat ni Gabbi sa ABS-CBN, maraming Kapuso fans ang nalulungkot at wish nilang huwag na siyang lumipat. Ang iba, nagsabing maiintindihan siya kung sakaling iwan na nga niya ang GMA-7.

Sakaling lumipat nga sa ABS-CBN si Gabbi, hindi siya maninibago dahil marami siyang kaibigang Kapamilya stars. Una na si Julia Barretto na dating classmate niya sa St. Paul’s Pasig. Si Khalil Ramosna sinasabing boyfriend niya. Si Leila Alcasid at marami pang iba. Sina Leila at Issa Pressman nga ang kasama ni Gabbi sa isang dinner after ng last taping niya ng Sherlock Jr. Nitz Miralles

(Editor’s note: Habang isinasara ko ang section na ito kahapon, nagpahabol ng mensaheng ito si Nitz, “Dindo, idagdag mo sa Gabbi item na matagal pa ang contract ni Gabbi sa GMA Artist Center at itinanggi ng handler niya na tungkol sa pag-alis sa GMA ang tweet niya.)