Ni Bella Gamotea

Hindi kagandahang balita sa mga motorista at consumer: Magpapatupad ng panibagong oil price hike ngayong linggo, kasunod ng pagpapataw ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) kahapon.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 90 sentimos hanggang P1 ang kada litro ng diesel at kerosene, habang 80 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang panibagong oil price hike ay kasunod ng pagdadagdag, dakong 12:01 ng umaga kahapon, ng Petron ng 25 sentimos sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas nito, o katumbas ng P2.75 sa 11-kilogram na tangke ng LPG.

Bukod pa rito ang 15 sentimos na itinaas ng Xtend Auto-LPG ng Petron, bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng LPG sa global market, kaya asahan na rin ang taas-presyo sa Solane, Total at LPG Marketers Association.