Ni Mary Ann Santiago

NAKAPAG-UWI ng karangalan sa bansa ang Pep Squad ng Adamson University (AdU) matapos na makasungkit ng gintong medalya sa ginanap na cheerleading competition sa Singapore.

Lumahok ang AdU Pep Squad sa Asia Cheerleading Invitational Championships 2018 na ginanap sa Singapore nitong Sabado de Gloria at pinalad na maiuwi ang gintong medalya sa kumpetisyon.

Nabatid na ang Asia Cheerleading Invitational Championships (ACIC) ay kompetisyon na bukas para sa lahat ng international teams sa mundo.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Mayroon itong iba’t ibang age divisions sa cheer levels at freestyle.

Matatandaang noong nakaraang taon, ang AdU Pep Squad rin ang itinanghal na Cheerdance champions sa UAAP.

Ang pamunuan ng Adamson, mga guro at estudyante ay malugod bumabati sa Pep Squad ng pamantasan maging ang Parents Teacher’s Association, Basic Education Department sa pangunguna ni Atty. Lyn Danao-Moreno na siyang pangulo ng PTA-BED.