Ni NORA CALDERON

MAGKAHIWALAY nagbakasyon ang magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong Holy Week. Nagpunta ng Dakak Park & Beach Resort sa Dapitan City si Alden with his family. Nag-stay sila sa Villa Angelina Luxury Suite.

maine

Sa Osaka, Japan naman nagpunta si Maine with her family.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Big family sina Alden at Daddy Bae sa bakasyon dahil kasama nila ang kanyang Lolo Danny at Lola Linda, sisters ng aktor na sina Riza at Angel at ang pinsang si April. Kasama naman ni Maine sina Tatay at Nanay Dub, mga kapatid na sina Niki, Nico, Coleen, Dean, brother in-law na si John Catalan and son Matti at si Yaya Pepe.

Naunang nagbakasyon ang Mendoza family na umalis noong March 27 at nakapasyal agad sa mall si Maine at naging photographer ng mga kapatid. Una nilang pinuntahan ang Universal Studios sa Osaka. Kaya lang, kinagabihan ay nag-tweet na siya ng, “Nothing like getting sick on vacation.”

Hayun, wala nang kasunod ang post niya na nakapasyal uli siya. March 29, nag-tweet ulit siya ng, “This sore throat is by far the worst ever!!! I swear I am ready to slit my throat any second!” Of course, hindi naman ginawa ni Maine at may Instagram story siya kasama si Coleen na naka-mask siya.

Sulit na sulit naman ang bakasyon ni Alden dahil for the first time ay nag-try siya ng scuba diving at sa Igstory niya: “First experience on scuba diving.” Kasama niya sina Daddy Bae, Riza, at April. Pagkatapos ay binigyan sila ng Certificate of Completion.

Dati nang nakapag-zipline si Alden, pero nag-try din siyang mag-zipline doon, may caption na Longest Dual Zipline in Mindanao na matatagpuan sa Dakak Resort.

Balik na ang dalawang pamilya sa Manila ngayong Easter Sunday.

Hindi man nag-enjoy, thankful si Maine dahil naka-bonding niya ang f ami ly na hindi niya nagagawang madalas dahil sa busy schedule. Thankful din si Alden sa libreng mga araw na naka-bonding niya ang kanyang buong pamilya. Sunud-sunod na uli ang trabaho niya after the Lenten Season. Sa April 5, paalis na siya with Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya for GMA Pinoy TV’s “Sikat Ka, Kapuso” sa New Jersey on April 7, sa Newwark Symphony Hall at sa April8, sa Toronto, Canada, sa Sony Centre for the Performing Arts. Tutuloy siya ng New York para sa two-day one-on-one workshop with Anthony Bova.

Pagbalik ng Pilipinas on April 15, haharapin na ni Alden ang pagti-taping ng Mitho, ang bago niyang fantaserye sa GMA-7.