Ni Jun Fabon

Patay na nang datnan ang isang guwardiya, na may hawak pang bote ng alak, sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police-Station 6, ang biktima na si Alfredo Gomez, Jr., 43, ng No. 129 Pag-asa Street, Barangay Batasan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO3 Hilario Nebato, ng Tactical Operation Center (TOC), nadiskubre ni Wilma Vicente, live-in partner ng biktima, ang bangkay ni Gomez sa sala, dakong 9:30 ng gabi.

Ayon sa ginang, mag-isa umanong uminom ng alak ang biktima at iniwan muna niya ito, ngunit makalipas ang halos kalahating oras ay bangkay na nang kanyang datnan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya ng biktima.