Niyanig ng magkakasunod na lindol ang Davao Occidental at Eastern Samar kahapon.
Tinukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang magnitude 3.5, 3.3 at 3.7 na lindol ay naitala sa Sarangani dakong 3:59 ng madaling-araw.
Natukoy ang epicenter nito sa layong 178 kilometro sa katimugan ng Sarangani.
Ang pagyanig na lumikha ng lalim na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Sinundan din ito ng magnitude 3.3 na lindol sa layong 186 na kilometro sa katimugan din ng Sarangani, dakong 4:47 ng umaga. Ang ikatlong lindol, na may lakas na magnitude 3.7, ay naitala dakong 5:15 ng madaling-araw.
Aabot sa 420 kilometro ang layo ng epicenter nito sa katimugan ng Sarangani.
Niyanig din ng ng magnitude 4.7 na lindol ang Eastern Samar, dakong 1:21 ng madaling-araw kahapon. Ang epicenter nito ay naitala sa Borongan City. - Fer Taboy