Ni Mary Ann Santiago

Suportado ng migrants’ ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong total deployment ban ng gobyerno sa mga bansang walang batas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (ECMI) chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat lang na magkaroon ang mga OFW ng katulad na mga karapatan at working conditions sa mamamayan ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Giit n i Santos, ang mga manggagawang Pinoy, partikular na ang mga household service worker (HSW) o domestic helper (DH), ay dapat na tratuhin nang may respeto at dignidad.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

“Our OFWs are human persons, not their properties. They have equal rights and dignity to be respected and promoted,” pahayag pa ng Obispo. “They should not to be treated as tools for profits, nor as slave workers. It is high time to say no to those countries where our OFWs are not protected and respected, but are abused and used.”

Dagdag pa ng CBCP official, kasama rin sa karapatan ng mga OFW ang ingatan at itago ang kanilang mga pasaporte, makagamit ng cell phone, magkaroon ng day off at oras ng pahinga, at hindi dapat na magkaroon ng pagpapalit sa kanilang mga kontrata.

Matatandaang una nang in-adopt ng Senado ang panukala para sa total deployment ban sa mga Pinoy DH sa mga bansang lumalabag sa mga karapatan ng mga ito.