Ni Nitz Miralles

NAALALA namin sa presscon ng Never Not Love You ng Viva Films na in-announce pa ni Nadine Lustre na may solo movie siya na hindi kasama si James Reid. Ito ‘yung The Nurse na ididirehe ni Jun Lana at produced ng IdeaFirst Company.

NADINE copy

Ang latest, out na si Nadine sa pelikula at ayon kay Direk Jun ay dahil sa scheduling conflict. May ibig sabihin pala ang tweet at post ni Direk Jun sa Instagram (IG) na “my film, my rules” at ang pa-hashtag niyang “#SorryNotHappening #MovingOn.”

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Nag-usisa tuloy ang nagulat na fans ni Nadine kung ang ano rason at hindi na matutuloy si Nadine sa movie gayong excited sa project ang aktres.

“Scheduling conflict. Been waiting too long and it’s taken too much of my time. Going to Japan 2x to prep is no joke. Time to move and let go and recast. Thanks for the interest guys,” sagot ni Direk Jun.

Samantala, Graded “A” ng Cinema Evaluation Board ang Never Not Love You, kaya may kapalit na good news ang balitang out na sa The Nurse si Nadine at papalitan ng ibang aktres. Sa Mach 31 ang opening at showing ng movie sa direction ni Tonet Jadaone na nagkaroon din ng isyu.