Ni Fer Taboy

Sumuko sa militar kamakailan ang aabot sa 81 katutubo na kaanib ng Underground Mass Organization (UGMO) na sumusuporta sa rebeldeng New People’s Army(NPA).

Sa report ng militar, ang mga sumuko ay nagmula sa grupo ng Dulangan Manobo Tribe sa iba’t ibang sitio sa Barangay Kabulangan sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Sinasabi ng militar na ang mga ito ang nagsisilbing reinforcement kapag napapasabak sa labanan ang mga rebelde sa Sultan Kudarat at South Cotabato.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Kaya rin umanong sumuporta ng mga ito sa kilusan dahil sa usapin sa ancestral domain, na sinakop umano ng isang malaking kumpanya sa nasabing lugar, at nagbunsod sa pagrerebelde ng mga katutubo.

Tiniyak naman ng militar na makatatanggap ang mga sumukong NPA sympathizer ng tulong pinansiyal at iba pang benepisyo mula sa pamahahalaan.