PARA sa mga fans na patuloy at walang sawang sumusuporta at tumatangkilik sa PBA, nakatakdang repasuhin ng binuong competition committee na pinangungunahan nina Ginebra coach Tim Cone, NLEX coach Yeng Guiao at Meralco coach Norman Black ang mga umiiral na rules at panuntunan ng liga upang magtakda ng isang bagong direksiyon at magrekomenda ng mga kinakailangang pagbabago.

Umaasa si PBA commissioner Willie Marcial sa mga beteranong coaches ng liga sa pagbalangkas ng bagong landas na tatahakin ng liga.

Ayon kay Marcial , unang-unang gagawin ng competition committee ang alamin kung anong klaseng istilo ng basketball ang angkop sa liga. Ang ‘no-harm, no-foul’ policy ba ng Rudy Salud era, o ang mas istriktong officiating na ginamit ng kanyang pinalitang si Commissioner Chito Narvasa.

“Sila na gagawa ng blue book ng liga,” wika ni Marcial. “Bale ‘yon na ang magiging bible natin for the future.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakasama ng naunang tatlong seasoned coaches sa competition committee sina Alaska coach Alex Compton at Ryan Gregorio, na dating 3-time PBA Coach of the Year at ngayo’y miyembro na ng TV panel gayundin sina PBA technical supervisor Erik Castro at Joey Guanio.

Magsisimula ng kanilang trabaho ang committee sa susunod na buwan.

Ngunit, nagsimula na silang hingin ang concensus ng mga fans sa pamamagitan ng Twitter kung ano sa tingin nila ang puwedeng maging laro o ang nababagay na tatak ng laro sa PBA o yung tinatawag na Larong Pinoy.