Ni FER TABOY

Sinibak ang isang precinct commander nang mahuling natutulog sa loob ng presinto sa San Juan City, sa sorpresang pagbisita ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde kahapon.

Sa muling pag-iikot ni Albayalde, kasama ang ilang opisyal ng NCRPO, sa mga istasyon ng pulisya upang matiyak na ipinatutupad ang mahigpit na seguridad ngayong Mahal na Araw, ay walang nadatnang tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng San Juan City Police maliban sa hindi pinangalanang precinct commander na naaktuhang natutulog.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinasabing 24 na oras nang naka-duty ang nasabing precinct commander, na may ranggong chief inspector, at nakatakda itong ipatawag ng NCRPO upang magpaliwanag.